MAY HANDOG NA “PENALTY CONDONATION” ANG PAG-IBIG FUND PARA SA MGA EMPLOYER

MAY HANDOG NA “PENALTY CONDONATION” ANG PAG-IBIG FUND PARA SA MGA EMPLOYER

September 22, 2022 @ 3:40 PM 1 week ago


HINIMOK ng pamunuan ng Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag-IBIG Fund ang mga employer na mayroon pang unremitted contributions ng kanilang mga em-pleyado, bago pa man o sa kasagsagan ng coronavirus disease 2019, na penalty condonation program.

 

Ang hakbang ay para ma-bigyan ng pagkakataon ang mga employers na maisaayos ang kanilang rekord sa Pag-IBIG Fund at masiguro na may tamang benepisyo ang mga manggagawa alinsunod sa batas.

Pakikiisa rin ito ng Pag-IBIG Fund sa economic reco-very ng mga negosyong lubhang naapektuhan ng COVID-19 alinsunod sa kautusan ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.

Nakasaad sa Pag-IBIG Fund charter na ang mga em-ployer ay siyang responsable sa pagrerehistro at pagbaba-yad ng buwanang kontribus-yon ng mga miyembro. Sa ilalim ng penalty condonation ay walang ipapataw na pe-nalty charges, 100% ang condonation na ipagkakaloob.

Kung hindi naman kaka-yanin ng employer na bayaran kaagad ng buo ang kabu-uang kontribusyon, may nakahandang payment plan na may mababang interes na 0.5% lamang.

Dagdag pa, kung ang kontribusyong hindi nabayaran ay mula March 2020 o pagsi-simula ng pandemya hanggang sa kasalukuyan, ang in-terest rate ay hindi na ibibilang pa.

Ang Pag-IBIG Fund ay pinamumunuan nina DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jose Rizalino Acuzar na siyang chairperson ng 11-man board at ang namamahala sa pang-araw-araw na operasyon ay ang chief executive officer na si Marilene C. Acosta.

Sa isang liham na inilabas ng Malacañang noong Lunes (19 Setyembre), si Marilene C. Acosta ay itinalaga bilang acting Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund, pumalit kay Acmad Rizaldy P. Moti bilang pinuno ng nangungunang ahensya ng pagpopondo sa bahay sa bansa.

Si Acosta, na nagmula sa Narvacan, Ilocos Sur, ay nasa Pag-IBIG Fund mula no-ong 1981. Isang Certified Public Accountant (CPA) at Career Executive Service Offi-cer (CESO) V, siya ay buma-ngon mula sa kanyang karera mula nang magsimula sa kanyang karera bilang isang accounting clerk sa Baguio Re-gional Office ng Pag-IBIG Fund.

 

Sa kanyang panunung-kulan bilang Pag-IBIG Fund De-puty CEO para sa Home Len-ding mula Marso 2017 hanggang Setyembre 2022, naglabas ang ahensya ng pare-pa-rehong record-highs sa hou-sing loan, na nagbigay-daan sa isang record-high na bilang ng mga miyembro na maka-kuha ng kanilang sariling mga tahanan.