May ibang lover ang asawa; ginang, ginilitan ang sariling leeg

May ibang lover ang asawa; ginang, ginilitan ang sariling leeg

July 15, 2018 @ 2:29 PM 4 years ago


 

Rizal, Cagayan – Pinagsasaksak ang tiyan bago tuluyang ginilitan ang sarili ng isang 44-anyos na ginang sa Rizal, Cagayan.

Nasawi noon din sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay ang nag suicide na nakilalang si Gemma Villaflor.

Ayon kay Police Sr. Inspector Ponciano Taliping, hepe ng Rizal police, narekober sa bangkay ni Villaflor ang kutsilyo na ginamit sa pagpapatiwakal habang hindi naman nalalayo sa tabi nito ang isang suicide note.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, kanilang nabasa sa cellphone na pag-aari ng biktima ang palitan ng mga text messages nila ng kanyang asawa na tila nagtatalo.

Napag-alaman na palagi umanong nag-aaway ang mag-asawa dahil sa mga tsismis na may ibang  kalaguyo ang lalaki.

Nakasaad sa nakuhang sulat ang pamamaalam niya sa kanyang pamilya subalit walang nalagay na dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Inaalam pa rin ng pulisya ang dahilan ng pag suicide ng biktima.(Jeff Gallos)