MAY KAYA SA 4Ps TABASIN NA

MAY KAYA SA 4Ps TABASIN NA

June 6, 2022 @ 10:25 PM 3 weeks ago


HINDI pa man umuupo ang batikang brodkaster na si Erwin Tulfo bilang incoming Secretary ng DSWD, bumilib na ang sambaya-nan sa mga programang ipatutupad nito sa ahensya, kabilang na ang pagtanggal ng mga makwartang benepisyaryo sa matagal nang programa ng gobyernong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Isipin niyo naman na kapanahunan pa ni Manay Gloria nang sinimulang ipatupad ang programang ito na kilala rin bilang Conditional Cash Transfer (CCT) at layuning ayudahan ang mahihirap na kababayan noon subalit hanggang ngayon ay marami pa rin ang lumalabas na reklamo hinggil sa beneficiaries na guro, empleyado ng LGUs at asawa ng kagawad ng Barangay o kaya naman Tanod.

Maniniwala ba kayo na si Aydul Erwin lang, sampu ng mga kabaro natin, ang nakaamoy ng dekada nang suliraning ito ga-yong mabingi na yata ang tenga ng mga kawani ng DSWD sa bansa kaugnay sa ilang may-kayang indibidwal na tumatanggap pa rin ng ayuda tuwing may payouts sa 4Ps?

Ipalagay natin na kulang talaga ng mga empleyado ang kagawaran na magmo-monitor at magsagawa ng masusing im-bestigasyon sa mga benepisyaryong marapat ng tabasin sa CCT, bunsod sa karamihan sa kanila ay nakatutok sa payouts ngunit hangga’t hindi natatanggal ang mga hindi naman karapat-dapat ayudahan ng pamahalaan, nagtatapon lang ng kwarta ito sa halip na tugunan ang nakararaming kababayang tunay na naghihintay ng tulong mula sa gobyerno.

Kunsabagay, batid ng bagong kalihim ang naglalakihang problema ng taumbayan sa loob ng ahensyang kailangan talagang baguhin ang mga sistema upang tuluyan nang maiahon ito sa krisis na tugma naman sa ipinangako ng uupong Pangulong si Ferdinand‚ÄĚBongbong‚ÄĚMarcos Jr.

Malaki ang gagampanang papel ng DSWD sa seryosong pa-ngako ni Pangulong Bongbong na ibangon ang lugmok na kalagayan ng bansa dahil ito pangunahing ahensyang inaasahang tutugon sa kaliwa’t kanang suliraning kinahaharap pa rin ng mga pobreng mamamayang umaasa ng ayuda sa gobyerno.

Bagaman itinuturing pa ring pansamantalang solusyon ang programa ng 4Ps sa malawakang problema ng kahirapan sa kasulok-sulukan ng bansa subalit ang gutom na taumbayan ang kailangan tulungan ng ahensya at hindi ang mga marangyang indibidwal.

Sabi nga ni Secretary Erwin, sila ‚Äėyung nasa laylayan ng lipunang madalas kumakalam ang sikmurang kailangan pakainin ng gobyerno.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]