May mananagot sa NBP escape incident – Malakanyang

May mananagot sa NBP escape incident – Malakanyang

January 19, 2022 @ 10:31 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.

Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.

“Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a full investigation is already under way,” ayon kay Nograles.

Aniya, may mga rekumendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.”

Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes, ayon sa pulisya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa police, tumalon ang mga pugante mula sa path walk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.

Kinilala naman ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga pugante bilang sina:
– Arwin Villeza, 35 (homicide at attempted homicide)
– Drakilou Yosores Falcon, 34 (robbery at homicide)
– Pacific Villaruz Adlawan, 49 (frustrated homicide at illegal drugs)

Pawang armado ang mga nakatakas na preso, na nakasuot ng BuCor shirts.

Dinala naman sa pagamutan ang mga jail guard na nasugatan sa barilan. Kris Jose