MAY NAGPOPOSITIBO NA SA COVID GALING NG CHINA

MAY NAGPOPOSITIBO NA SA COVID GALING NG CHINA

January 5, 2023 @ 1:38 PM 1 month ago


AYON kay Bureau of Quarantine Deputy Ditector Roberto Salvador Jr., may natatagpuan nang positibo sa COVID-19 na nanggagaling sa China.

Mga Chinese umano ang mga ito ngunit mga kulang sa bakuna o walang bakuna at isinailalim lang sa pamamagitan ng antigen test.

Nakahiwalay na umano ang mga ito sa iba at hinihintay na lang ang mga resulta ng reverse transcription polymerase chain reaction test sa mga ito.

Paliwanag ni Salvador, Disyembre 29, 2022 pa sila nakaalerto.

KAIBA SA IBANG MGA BANSA

Sa Japan, South Korea, United States at European Union, iniistriktuhan na nila ang pagpasok ng mga galing ng China, Chinese man o sarili nilang kababayan.

Minimum na requisitos ang pag-obliga sa mga ito na magpakita ng negatibong resulta ng COVID test bago sumakay ng eroplano o barko o pagdating nila roon.

Hinahayaan naman ng United Kingdom na lumapag at doon na sila isinasalang sa mga COVID test.

Katwiran nila, nais nilang malaman ang mga uri ng virus ng COVID na dala ng mga dumarating para sa kanilang masinsinang pag-aaral.

Itoā€™y para malaman nila ang mga nararapat na hakbang laban sa COVID.

PAANO NGA SA PINAS?

Magandang pagsamahin ang ginagawa ng ibang mga bansa at mga ginagawa sa Pilipinas na laban sa posibleng pagkalat ng COVID.

Sa ibang bansa, pinaniniwalaan nila ang mga ulat na marami ang namamatay sa China kaya gayun na lamang ang kanilang paghihigpit.

Ganito rin ba ang ating paniniwala?

Kung oo, dapat na rin tayong maghigpit upang maagapan natin ang paglaganap ng nakamamatay na virus dito.

Mahirap nang makipagsapalaran laloā€™t namatayan na tayo ng mahigit 60,000 at nagakasakit na ang mahigit 4 milyon katao.

Hindi dapat maulit ang ganitong pangyayari na ikinababagsak ng ating buong bayan.

Tandaan: Talo ng maagap ang masipag!