May nakahandang budget para sa earthquake relief – DBM

May nakahandang budget para sa earthquake relief – DBM

July 28, 2022 @ 7:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na nakahanda na ang pondo para sa gagawing pagtulong ng pamahalaan sa mga komunidad na tinamaan ng  magnitude 7 earthquake sa Northern Luzon.

Sa isang kalatas, sinabi ni  Budget Secretary Amenah Pangandaman na ”available” na ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) para gamitin ng gobyerno.

Makikita sa data mula sa  DBM na “as of June 30, 2022,” ang  NDRRMF ay mayroong  available balance na P14.7 bilyon.

“Minus the earmarked amounts of P1.93 billion—P1.58 billion for the Office of the President (OP) approved Special Allotment Release Order (SARO) and P350 million for OP—the adjusted balance is P12.769 billion,” ayon sa DBM.

Ang NDRRMF ay maaaring gamitin para sa “reconstruction, rehabilitation, repair, aid, relief, and other works or services” kabilang na ang  pre-disaster activities, bilang tugon sa natural calamities na nangyayari sa panahon ng kasalukuyang fiscal year.

Sinabi pa ni Pangandaman, mayroon din aniyang Quick Response Fund (QRF)  na puwedeng  gamitin kung kinakailangan.

Samantala, sa press briefing, sinabi naman ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., na “I think in terms of what we are anticipating, especially after this earthquake, I think we should be able to cover.”

“Our hearts and prayers go out to all affected by the earthquake. Rest assured that we are ready to support all operations for disaster relief with the necessary budget,” ang pahayag naman ni Pangandaman. Kris Jose