May nakalaang P1.7B pondo para mga biktima ng kalamidad – DSWD

May nakalaang P1.7B pondo para mga biktima ng kalamidad – DSWD

August 23, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mayroong P1.7 bilyong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na standby funds para tulungan ang mga biktima ng kalamidad kabilang na ang mga biktima ng  Severe Tropical Storm Florita (international name: Ma-on) na patuloy na nananalasa sa Pilipinas.

“Sa ngayon ay nasa 1.7 billion (piso) po ‘yung mga naka-standby namin na worth ng ayuda,” ayon kay DSWD spokesperson Asec. Romel Lopez.

“Included in the said allotment is the agency’s quick response funds (QRF),” dagdag na pahayag ni Lopez.

Tinatayang may 480,000 family food packs   na nagkakahalaga ng P283 milyong piso ang nakahanda para ipamahagi ng departamento.

“So, ito pong DSWD Central Office, kasama po iyong aming field offices, tsaka siyempre po ‘yung National Resource Operations Center, nandito po ‘yung repacking natin ng relief goods, ay pinaghanda na po. On red alert na po kami,” aniya pa rin.

Ang maganda rin aniya ay simula noong Hulyo  27 na malakas na paglindol sa northern Luzon, ay nakapag-preposition na aniya sila ng mga assets gaya ng  mga family food packs at  QRF (quick response funds) sa Region 1,.

“‘Yung atin namang prepositioned food packs diyan at QRF ay augmented na rin po. So mas madali po natin itong mau-utilize at madi-distribute sa ating mga kababayan,” anito. Kris Jose