MAY PAG-ASA PA SI BINAY

MAY PAG-ASA PA SI BINAY

May 24, 2022 @ 2:17 PM 1 month ago


TEKA, teka tila may pag-asa pa itong si ex-VP Jejomar Binay, na pumang-13 at obviously hindi pumasok sa Magic 12 ng mga ganador na senador.

Kung totoo ang nasagap ng Good Riddance na na-dismiss ng Comelec ang disqualification petition na na-file ng ex-wife ni Senator-elect Raffy Tulfo na si Julieta Licup-Pearson dahil sa teknikalidad o hindi pag-attach, hindi naman siguro sinadya, ng kailangang dokumento bilang patunay ng legalidad ng petisyon, aba eto na’ng pagkakataon ni Binay.

Kailangan lang mag-file ng quo warranto petition si Binay siguro sa Senate Electoral Tribunal at k’westyunin ang k’walipikasyon ni Tulfo na maging senador dahil sa 2019 conviction nito sa kasong libel sa Makati-RTC na kinapapalooban ng tinatawag na moral turpitude at na-affirm mismo ng Korte Suprema.

May court jurisprudence na nakasaad sa petisyon ng dating asawa ni Tulfo bukod pa sa mga ebidensya nito tulad ng video clips hinggil sa alegasyon ng una sa paglabag ng huli sa Fair Election Act pero nabasura lang ng Comelec dahil lamang sa simpleng teknikalidad na dapat ay hindi na nau-overlook ng lawyers.

Tama lang sigurong ikonsidera ito ni Binay dahil sa law of succession, s’ya ang dapat na pumasok bilang panghuli sa Magic 12 kung mapatunayang hindi k’walipakado si Tulfo dahil nga sa mga nabanggit na kadahilanan.

Wag n’ya lang gayahin ang abogado ni Licup-Pearson, siguraduhin n’yang mai-attach ang vital documents tulad ng RTC decision at SC affirmation, etc.

CAPMI all-out support kay VP Sara bilang DepEd Secretary

Tinaguriang 2017 Clean Air Champion ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI) si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, todo suporta ang grupo sa pagpili mismo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanya bilang Department of Education secretary.

Ayon kay CAPMI chairman Dr. Michael ‘Mike’ Aragon, walang kadu-dudang magagampanan ni VP Sara ang DepEd post lalo’t isa itong abogada, propesyunal at nagsilbi sa lokal na pamahalaan kung saan naipamalas nito ang pagtulong sa mahihirap at pagmamahal maging sa kalikasan.

Nakahanda ring mag-coope–r–ate ang CAPMI sa DepEd upang maisulong mga programa lalo sa environmental and behavioural change education lalo para sa bata  sa usaping Climate Emergency.

Ayos ang partnership na ito ng CAPMI at ni VP/DepEd Sec. Sara!