MAY PARANGAL UKOL SA “CLIMATE AND DISASTER RESILENCY” ANG DENR

MAY PARANGAL UKOL SA “CLIMATE AND DISASTER RESILENCY” ANG DENR

April 20, 2021 @ 1:01 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

INILUNSAD ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Gender and Development Office at Climate Change Service ang Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards na may titulong “Mga Kwentong KLIMA-likasan Tungo sa Katatagan: A Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards.”

Layunin nito na makapagbigay ng pagkilala sa Filipino “movers and workers” na patuloy na gumagawa ng hakbang upang mapalakas ang kampanya laban sa climate and disaster resiliency.

Ang Climate and Disaster Resiliency Recognition Awards na sumusuporta sa Global Good Stories Movement ay layuning mahanap at mabigyan ng pagkilala ang mga kuwento ng bawat indibidwal o grupo kung ano ang epekto ng climate change and disaster sa kanilang komunidad at paano nila ito nabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga programa sa pagbibigay ng proteksyon sa kanilang kapaligiran at konserbasyon, climate change at disaster risk reduction.

Ang Global Good Stories Movement naman ay isang samahan na nagbabahagi ng kanilang paniniwala sa katagang “we can change the story of the world by changing the storyline.”

Ang nationwide search ay bukas sa magagandang istorya tungkol sa women leadership, community livelihood development, integrated water resources management at coastal/upland protection.

Kabilang din dito ang istorya tungkol sa critical resilient infrastructure, climate and disaster information services, solid waste management, marine conservation at coastal governance, road sharing and non-motorized mobility, edible landscaping and food gardens.

Kasali rin dito ang eco-governance, environmental legislation, environmental education, arts for the earth, environmental jurisprudence, youth leadership, environmental diplomacy, marine enforcement, renewable energy, cultural heritage, beach restoration, environmental litigation at water use and recycling.

Dapat na ang mga inisyatibang ito ay hindi bababa sa tatlong taong ipinatupad o sinimulan noong pang 2018.

Ang mga kalahok ay huhusgahan base na rin sa mga sumusunod na criteria: climate and disaster resiliency content – 60%, visual appeal of the photographs and video – 30% at geographical reach of the initiative – 10%.

Makatatanggap ang mananalo ng Php 50,000 para sa first prize, Php 40,000 para sa second prize, at Php 30,000 para sa third prize. Mayroon ding Php 15,000 bawat isa ang pitong mapipiling consolation prizes.

Ang parangal ay gagawin sa June 2021 bilang bahagi ng selebrasyon ng Philippine Environment Month.

Sa mga nagnanais na lumahok, maaaring magsumite ng kanilang entries sa cco.denr@yahoo.com, at ccs.denr@gmail.com, bago ang May 4, 2021.

Maaari ring isumite ang entry sa pinakamalapit na DENR Community o Provincial Environment and Natural Resources Office o sa DENR regional offices.


  •  
  •  
  •