May pinakamahabang span na tulay sa mundo, binuksan na sa Turkey

May pinakamahabang span na tulay sa mundo, binuksan na sa Turkey

March 19, 2022 @ 2:26 PM 3 months ago


ISTANBUL – Binuksan na sa publiko ang 4.6 kilometrong Canakkale Bridge na may pinakamahabang span sa buong mundo sa Dardanelles Strait na sakop ng Turkey.

Isa ito sa pinakamalalaking proyektong imprastraktura ni President Tayyip Erdogan sa nasa 20 taon na nitong panunungkulan.

May 2.023 kilometro ang span o pagitan ng dalawang haligi o tore ng tulay at sinisimbolo nito ang ika-100 taong anibersaryo ng pagtatag ng Republika ng Turkey sa 2023 ngunit sa araw ng pagbubukas ay pag-alaala naman ng pagwawagi ng Ottoman navy laban sa mga British at French navy noong 2015 na panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Paiigsiin ang pagtawid sa dagat ng mga motorista na dating sumasakay sa mga barko o ferry sa anim na minuto lang mula sa limang oras mula Europa hanggang Asya.

May taas na 318 metro ang mga tore ng tulay at pupwedeng dumaan sa ilalim nito ang mga barko.

Ginawa ang tulay ng mga kompanyang Turko at Koreano sa halagang $2.8 bilyon ngunit bilang nasa ilalim ng sistemang build-operate-transfer (mula pribado hanggang maging pag-aari ng gobyerno), magkakahalaga ito ng kabuuang mahigit sa $6B at taunang magbabayad ang pamahalaang Turkey ng $420 milyon.

Magbabayad naman ng toll ang mga maliliit na sasakyan ng $13.50 sa bawat pagtawid. RNT