May regla pwedeng work-from-home sa Aklan LGU

May regla pwedeng work-from-home sa Aklan LGU

February 22, 2023 @ 12:30 PM 1 month ago


TANGALAN- APRUB sa lokal na pamahalaan ng Tangalan ang mag-work from home (WFH) ng dalawang araw ang mga babaeng kawani sa tuwing magkakaroon ng buwanang dalaw o regla.

Nakasaad sa naipasang Tangalan Ordinance No. 2022-214 o “An Ordinance Establishing ‘Menstruation Day Privilege’ To Female Employees Of The Municipal Government of Tangalan, Aklan To Work-From-Home (WFH) Two (2) Days A Month While They Have Their Periods, Providing Funds Thereof And Likewise Encouraging Other Government And Private Offices In The Municipality To Do The Same.”

Nakapaloob din sa nasabing ordinansa na bukod sa mga regular na empleyado makikinabangang rin lahat ng babaeng casual, job order, o Contract of Service sa nabanggit na munisipyo.

Kasunod nito, namahagi na rin ng LGU Tangalan ng libreng menstrual kit na naglalaman ng sanitary napkin, feminine wash at panty liner.

Ayon sa Aklan Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ito ang kauna-unahang ordinansa na naipasa at naaprubahan hinggil sa menstruation privilege ng mga kababaihan sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan./Mary Anne Sapico