Maya, dumapo sa kalawakan

Maya, dumapo sa kalawakan

August 11, 2018 @ 9:25 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nagmarka sa kasaysayan ang pagpapakawala ng kauna-unahang cube satellite ng Pilipinas sa kalawakan.

Sa launching kahapon ng Department of Science and Technology at ng University of the Philippines (U.P) ibinahagi ni DOST Sec. Fortunato dela Peña ang ‘Maya-1’ na gawa ng alumni ng UP na sina Joven Javier at Adrian Salces sa ilalim ng Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite Program.

Ang naturang satellite ay may sukat lang na 10-by-10 centimeters at kayang kumuha ng mga larawan ng mundo mula sa kalawakan gaya ng agricultural crops, kagubatan, ilog at kahit mga pamayanan na mahalaga sa mga ahensya ng gobyerno

Para kay UP President Danilo Concepcion, isa itong tagumpay hindi lang ng unibersidad kundi ng buong bansa.

Ang Maya-1 ay ang ikalawang satellite na nai-deploy sa kalawakan matapos ang Diwata-1.

Kasabay na ini-launch ng Maya-1 ang BHUTAN-1 ng Bhutan at UiTMSat-1 ng Malaysia.

Nakatakda namang mag-launch ang kagawaran ng isa pang microsatellite na tatawaging Diwata-2 bago matapos ang taon. (Remate News Team)