Maymay, tinarayan nang nagpa-picture sa isang artista!

Maymay, tinarayan nang nagpa-picture sa isang artista!

December 10, 2021 @ 5:45 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa YouTube channel ni Mimiyuuuh, naging panauhin si Maymay Entrata.

Sa kanilang mukbang, sumalang si Maymay sa kakaibang challenge kung saan sinagot niya ang ilang mga nakakaintrigang tanong sa nasabing vlog.

Isa sa mga naitanong sa kanya ay tungkol sa kanyang hindi makalilimutang karanasan sa kanyang pag-aartista.

Bagama’t hindi niya umano maituturing na bad experience iyon, medyo nagmarka raw sa kamalayan niya ang naging engkuwentro sa isang personalidad na hindi niya pinangalanan.

Bukod sa inirapan daw siya nito ay sinipat siya nito mula ulo hangggang paa.

Naganap umano ito noong kakalabas pa lamang niya sa Pinoy Big Brother nang pumunta siya sa ASAP upang makita ang mga artista

“Uy buti na lang wala. Pero hindi naman ‘yun bad experience talaga na sinigawan ako or minalditahan ako. It’s more like ‘yung tingin sa akin. Kasi ‘di ba kakalabas ko lang ng PBB tapos sobrang excited ako makita ‘yung iba’t ibang artista. Pumunta ako sa ASAP Natin ‘To tapos nagpa-picture ako sa mga artista tapos itong isa, gusto ko sana magpa-picture. Bago ako magpa-picture ginanito niya ako ‘day,” ani Maymay.

May ilan namang kibitzers na nag-opinyong hindi raw kaya napagkamalang tsimiaa si Maymay kaya ito natarayan ng nasabing personalidad? Archie Liao