Maynila handa na sa Undas 2022; mga daang isasara, alamin!

Maynila handa na sa Undas 2022; mga daang isasara, alamin!

October 27, 2022 @ 9:01 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng pamunuan ng Lungsod ng Maynila partikular ng Manila Police District (MPD) na handang-handa na ito sa pagpapatupad ng ikinasang mga plano kaugnay sa paggunita ng UNDAS 2022 sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery at mga pribadong libingan na nasa lungsod katulad ng Chinese Cemetery, na ang may-ari at nagpapatakbo聽ay ang Philippine Chinese Charitable Association, Inc (PCCAI).

Mula 10:00 ng gabi ng October 31 hanggang 5:00 pm ng November 2, Lunes hanggang Miyerkules ay isasara sa trapiko ang mga sumusunod na daan sa paligid ng Manila North Cemetery na siyang pinakamalaking sementeryo sa bansa at dinarayo ng tinatayang pito hanggang sampung milyon katao bawat taon, ang – 聽

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng Aurora Boulevard mula Dimasalang Road hanggang Rizal Avenue;

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng Dimasalang Road mula Makiling Street hanggang F. Blumetritt Road;

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng P. Guevarra Street mula Cavite Street hanggang Pampanga Street;

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng F. Blumentritt Road mula A. Bonifacio Avenue hanggang P. Guevarra Street;

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng Retiro mula Dimasalang Road hanggang F. Blumentritt Road Extension; at

路聽聽聽聽聽聽聽聽Kahabaan ng Leonor Rivera Street mula Calavite Street hanggang A. Bonifacio Avenue

Magiging alternatibong mga daanan naman ang 鈥

眉聽聽Mula sa Rizal Avenue / F. Blumentritt Road patungong Leonor Rivera o Isagani Streets at kanan sa Antipolo Street;

眉聽聽Mula sa Amoranto Street sa Quezon city ay kanan sa Calavite Street, at kanan muli sa A. Bonifacio Avenue; at

眉聽聽Mula Dimasalang Road ay kanan sa Makiling Street, at kanan muli sa Maceda Street.

Ipinapaalam din na sa buong Linggo ng Undas 2022 ay magiging tow-away zones ang kahabaan ng Retiro at Laon Laan.

Narito naman ang mga itinalagang parking spaces na nasa mga kalye ng Craig, Simon, Felix Huertas, Bulacan, Tecson, P. Guevarra, Sulu, Oroquieta, Metrica, Natividad, M. Hizon, at Kalimbas.

Mahigpit paring ipatutupad ang health and safety protocol at mga pagbabawal sa loob ng Manila North Cemetery. RNT/Hilda Ong