MAYNILA HANDA SA “UNDAS 2022”, MGA DAANG ISASARA AT PARKING SPACES, ALAMIN

MAYNILA HANDA SA “UNDAS 2022”, MGA DAANG ISASARA AT PARKING SPACES, ALAMIN

October 28, 2022 @ 2:05 PM 1 month ago


SINABI ng pamunuan ng Lungsod ng Maynila partikular ng Manila Police District (MPD) na handang-handa na ito sa pagpapatupad ng ikinasang mga plano kaugnay sa paggunita ng UNDAS 2022 sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery at mga pribadong libingan na nasa lungsod katulad ng Chinese Cemetery, na ang may-ari at nagpapatakbo ay ang Philippine Chinese Charitable Association, Inc (PCCAI).

Mula 10:00 ng gabi ng October 31 hanggang 5:00 pm ng November 2, Lunes hanggang Miyerkules ay isasara sa trapiko ang mga sumusunod na daan sa paligid ng Manila North Cemetery na siyang pinakamalaking sementeryo sa bansa at dinarayo ng tinatayang pito hanggang sampung milyon katao bawat taon, ang –  

·        Kahabaan ng Aurora Boulevard mula Dimasalang Road hanggang Rizal Avenue;

·        Kahabaan ng Dimasalang Road mula Makiling Street hanggang F. Blumetritt Road;

·        Kahabaan ng P. Guevarra Street mula Cavite Street hanggang Pampanga Street;

·        Kahabaan ng F. Blumentritt Road mula A. Bonifacio Avenue hanggang P. Guevarra Street;

·        Kahabaan ng Retiro mula Dimasalang Road hanggang F. Blumentritt Road Extension; at

·        Kahabaan ng Leonor Rivera Street mula Calavite Street hanggang A. Bonifacio Avenue 

Magiging alternatibong mga daanan naman ang –

ü  Mula sa Rizal Avenue / F. Blumentritt Road patungong Leonor Rivera o Isagani Streets at kanan sa Antipolo Street;

ü  Mula sa Amoranto Street sa Quezon city ay kanan sa Calavite Street, at kanan muli sa A. Bonifacio Avenue; at

ü  Mula Dimasalang Road ay kanan sa Makiling Street, at kanan muli sa Maceda Street.

Ipinapaalam din na sa buong Linggo ng Undas 2022 ay magiging tow-away zones ang kahabaan ng Retiro at Laon Laan.

Narito naman ang mga itinalagang parking spaces na nasa mga kalye ng Craig, Simon, Felix Huertas, Bulacan, Tecson, P. Guevarra, Sulu, Oroquieta, Metrica, Natividad, M. Hizon, at Kalimbas.

Mahigpit paring ipatutupad ang health and safety protocol at mga pagbabawal sa loob ng Manila North Cemetery.