Maynila magkakasa ng liquor ban, noise control, road closure sa ilang lugar para sa Bar Exams

Maynila magkakasa ng liquor ban, noise control, road closure sa ilang lugar para sa Bar Exams

November 5, 2022 @ 11:12 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ikakasa ang liquor ban, noise control, at road closures sa paligid ng San Beda University (SBU) at De La Salle University (DLSU) bilang bahagi ng security measures para sa 2022 Bar Examinations, ayon sa Manila Public Information Office (PIO) nitong Biyernes.

Sa ilalim ng Executive Order No. 48 series of 2022 na nilagdaan ni Manila Mayor Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan noong Oktubre 14, magpapatupad ng liquor ban “within 500-meter radius ng SBU sa Mendiola, Manila, at DLSU sa Taft Avenue, Manila sa mga sumusunod na petsa:

  • Nov. 8, 12:00 a.m. to Nov. 9, 10:00 p.m.

  • Nov. 12, 12:00 a.m. to Nov. 13, 10:00 p.m.

  • Nov. 15, 12:00 a.m. to Nov. 16, 10:00 p.m.

  • Nov. 19, 12:00 a.m. to Nov. 20, 10:00 p.m.

Pagbabawalan din ang vendor sa nasabing mga lugar sa mga sumusunod na petsa:

  • Nov. 8, 12:00 a.m. to Nov. 10, 12:00 a.m.

  • Nov. 12, 12:00 a.m. to Nov. 14, 12:00 a.m.

  • Nov. 15, 12:00 a.m. to Nov. 17, 12:00 a.m.

  • Nov. 19, 12:00 a.m. to Nov. 21, 12:00 a.m.

Oobserbahan din ang noise control sa mga nasabing lugar, petsa at oras.

“Videoke, karaoke, loud sound systems, speakers, and all equipment emitting loud or disturbing sounds, as well as persons or groups of persons causing loud noises within the vicinity, shall also be banned,” abiso ng PIO.

Ilang kalsada rin sa paligid ng nasabing mga unibersidad ang isasara sa mga motorista upang magbigay-daan sa examinees.

Isasara ang mga sumusunod na kalsada malapit sa SBU at DLSU mula alas-2 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga at alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa Nov. 9, 13, 16 at 20:

  • Mendiola Street

  • Concepcion Aguila Street

  • 1st, 2nd, 3rd, & 4th Street

  • Taft Avenue Northbound

  • Taft Avenue Southbound

Ang implementasyon ng mga alituntunin ay bahagi ng seguridad upang maiwasan ang anumang insidente sa Bar examinations. RNT/SA