Maynila, siyudad ng pag-asa at oportunidad ngayong Pasko – Mayor Isko

Maynila, siyudad ng pag-asa at oportunidad ngayong Pasko – Mayor Isko

November 23, 2020 @ 7:33 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “I want City of Manila become City of opportunity and hope for this Christmas.”

Ito ng ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang pangunahan nito ang Sabayang Pamaskong Pagpapailaw ng Christmas Tree Belen at Parol na ginanap sa Kartilya ng Katipunan na katabi lamang ng Manila City Hall ngayong gabi.

Kasama ni Domagoso si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan gayundin ang ilang Konsehal at opisyal ng lokal na pamahalaang lungsod sa ginawang pagpapailaw kung saan sasabayan din ito ng pag-iilaw sa Rizal Park, Intramuros, Philippine Post Office, at National museum of the Philippines.

Una nang nagpahayag ang alkalde na sa gitna ng pandemya at mga kalamidad na naranasan ng mga Manilenyo ay dapat maramdaman pa rin ang diwa ng Kapaskuhan sa puso ng bawat isa lalo na ang bawat pamilya sa lungsod.

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang mga nakiisa sa ginanap na sabayang pag-iilaw tulad ng National Parks and Development, Intramuros Administration, Postal Office, National Museum atbp.

“I want City of Manila become City of opportunity and hope for this Christmas. Ang diwa ng pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan at pagmamalasakitan,” saad ni Domagoso.   JAY Reyes


  •  
  •  
  •