Maynilad maglalagay ng stationary water tanks sa Parañaque

Maynilad maglalagay ng stationary water tanks sa Parañaque

March 2, 2023 @ 1:26 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa pagpapatupad ng water service interruption na nakatakda mula Marso 5-7 ay maglalagay ang Maynilad Water Services Inc. ng stationary water tanks sa anim na lugar sa Parañaque para sa pangangailangan ng tubig ng mga residente sa lungsod.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, ang anim na lugar na paglalagyan ng Maynilad ng mga stationary water tanks ay ang SinagTala Barangay BF Homes; Seacom sa Barangay San Antonio; Landscape sa Barangay Marcelo Green; Goodwill 3 Subdivision sa Barangay San Antonio, Area I; Fourth Estate Subdivision, Barangay San Antonio; at Switzerland Dulo sa Barangay Don Bosco.

Sinabi ni Olivarez na ang implementasyon ng water service interruption ng Maynilad ay bunsod sa pagsasagawa ng tagas ng tubig sa 2,200mm diameter primary line sa Osmena Highway kanto ng Zobel Roxas St., Makati malapit sa boundary ng Manila.

Sa kabila ng paglalagay ng mga stationary water tanks sa iba’t ibang lugar sa lungsod ay pinayuhan ni Olivarez ang mga residente na mag-ipon pa rin ng tubig para sa kanilang pangangailangan bago pa man ipatupad ang nakatakdang water service interruption.

Ang mga maaapektuhang mga village ng water service interruption ay ang Magdalena St., Hernandez Avenue at Remanville Subdivision sa Barangay Don Bosco; Greenwood, Maharlika, Moss at Phase 5 ng Barangay Marcelo Green; Barangay Moonwalk; Don Aguedo Subdivision, Hernandez Avenue, Jestra Village, Lakandula St., Malacanang Village, San Antonio Valley 1 at 9, Sta. Lucia Avenue at San Gabriel St. sa Barangay San Antonio; Greenheights Subdivision sa Barangay San Isidro; at Annex 4, Cul De Sac, Road, Edison Avenue, Marimar Village 1 at 2, Park View, Sta. Ana Drive, sa Sun Valley Subdivision, Barangay Sun Valley.

Para sa mga karagdagang katanungan at updates ay pinayuhan ni Olivarez ang mga residente na bisitahin na lamang ang Facebook page ng Maynilad Water Service Inc. James I. Catapusan