Maynilad nag-abiso ng hanggang 57-hour water service interruption sa bahagi ng NCR

Maynilad nag-abiso ng hanggang 57-hour water service interruption sa bahagi ng NCR

February 28, 2023 @ 5:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ang major pipe leak repair sa Makati City ng hanggang 57 oras ng water interruptions sa ilang lugar simula 5, alas-3 ng hapon hanggang March 7, alas-11:59 ng gabi, ayon sa Maynilad Water Services Inc. (Maynilad) nitong Martes.

Sa press briefing, nag-abiso si Ronald Padua, Maynilad head ng water supply operations, sa mga residente ng mgfa apektadong lugar sa Makati, Pasay, Parañaque at Manila na mag-imbak ng tubig na magagamit nila sa loob ng tatlong araw.

Aabutin umano ng 52 oras ang pagkumpuni sa 2,200 millimeter-diameter steel pipe sa kahabaan ng Osmena Highway corner Zobel Roxas, Makati City, base sa Maynilad. Subalit, nilinaw ng water concessionaire na hindi pa malinaw ang service interruption extension, dahil kailangan pa umano nilang hukayin ang site para suriin ang pinsala.

“To mitigate the impact of the pipe repair activity, Maynilad is installing seven stationary water tanks and deploying 30 mobile water tankers to serve affected areas, particularly those that will experience 57 hours straight of interrupted supply,” anang Maynilad.

Kapag nakumpuni na ang pipe, inihayag ng Maynilad na marerekober nito ang 20 hanggang 30 million liters ng nasasayang na tubig kada araw. Makatutulong umano ito sa pagpapalakas ng water pressure sa mga saklaw na lugar, na magpaparami sa suplay para sa mga kustomer.

Maaapektuhan ng 20- hanggang 57-oras na water service interruptions ang mga sumusunod na lugar:

Manila (March 5, 3 p.m. hanggang March 6, 11 a.m.):

  • Barangay 719, 726-731, 732-734, 745-762, 769, 803, 807 (Malate at San Andres)

Makati (March 5, 3 p.m. hanggang March 7, 9 p.m.)

  • Bangkal, Magallanes, Palanan, Pio del Pilar, San Isidro

Parañaque (March 5, 3 p.m. hanggang March 7, 9 p.m.)

  • Don Bosco (Magdalena St., Hernandez Ave., Remanville Subd.)

  • Marcelo Green (Greenwood, Maharlika, Moss, Phase 5)

  • Merville

  •  Moonwalk

  • San Antonio (Don Aguedo Subd., Hernandez Ave., Jestra Village, Lakandula St., Malacanang Village, San Antonio Valley 1 & 9, Sta. Lucia Ave., San Gabriel St.)

  •  San Isidro (Greenheights Subd.)

  • Sun Valley (Annex 41, Cul De Sac Road, Edison Ave., Marimar Village 1 & 2, Park View, Sta. Ana Drive, Sun Valley Subdivision)

Parañaque (March 5, 3 p.m. hanggang March 7, 11:59 p.m.)

  • Don Bosco (Aeropark Subd., Annex 135 at 1618 Subd., Bolivia St., Better Living Subd., Camella Homes, Dona Soledad Ext., France St., Levitown Subd., Saudi St., Scienceville Subd., Somalia, UN – Don Bosco Ave., Zambia St.)

  • BF Homes (Enclaves along Presidents Ave. at Aguirre Ave., Goodwill 2 Subd., Massville Village, Sampaloc Ave.)

  • Marcelo Green (ACSIE Road, Sampaguita Ave., Severina Ave. – Left & Right, WSR/Marcelo Ave.)

  • San Antonio (4th Estate Subd., Goodwill 3 Subd., Meliton St., Soreena Ave.)

  •  San Martin de Porres (Makati South Hills Townhomes, United Paranaque Subdivision 1-3, United Hills Subdivision)

  • Sucat (Posadas Village)

Pasay (March 5, 3 p.m. hanggang March 7, 2a.m.)

  • Brgy. 1, 3, 7, 9, 14-15, 18, 20, 23, 33, 37, 41-49, 51-52, 56-59, 64-68, 71-75, 80-81, 84-86, 89, 91, 93-99, 101, 104, 106-110, 112-115, 118, 122-123, 125-126, 128, 130, 131, 133, 135-137, 142

Pasay (March 5, 3 p.m. hanggang March 7, 9p.m.)

  • Brgy. 86, 181-185, 201. RNT/SA