Maynilad: Water supply interruption asahan sa bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite

Maynilad: Water supply interruption asahan sa bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite

October 15, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng west-zone Maynilad Water Services na ilang lugar sa Metro Manila, Cavite, at Bulacan ang makararanas ng water supply interruptions simula sa Linggo dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir.

Inihayag ng Maynilad na makararanas sa nahagi ng Bulacan, Caloocan City, Makati City, Malabon City, Manila, Navotas City, Paranaque City, Pasay City, Quezon City, at Valenzuela City ng daily water service interruptions mula Oktubre 17 hanggang Oktubre 25.

Gayundin, sinabi ng kompanya na ang water supply sa bahagi ng Bacoor City, Caloocan City, Cavite City, Imus City, Kawit, Las Pinas City, Makati City, Malabon City, Manila, Noveleta, Paranaque City, Pasay City, Quezon City at Rosario, Cavite ay maaantala rin simila sa Oktubre 17 hanggang Oktubre 24.

“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available. Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears,” pahayag ng Maynilad.

“Our mobile water tankers are also doing the rounds of the affected areas to deliver potable water, and stationary water tanks are installed in several areas,” dagdag nito. RNT/SA