MAYOR ALONG “EDUCATION DYNAMO” NG CALOOCAN

MAYOR ALONG “EDUCATION DYNAMO” NG CALOOCAN

November 10, 2022 @ 12:08 PM 3 weeks ago


NAGSIMULA nang tumanggap ang mga batang mag-aaral ng Lungsod ng Caloocan ng ayudang pang-edukasyon mula kay Mayor Gonzalo Dale ‘Along’ Malapitan.

Pinangunahan ng butihing alkalde ang pamimigay ng libreng school supplies sa kinder hanggang grade 6 pupils sa pampublikong mga eskuwelahan sa lungsod.

Ang free school supplies bawat taon ay sinimulang proyekto ng amang dating mayor na ngayo’y 1st District Representative Oscar “Oca” Malapitan na ipinagpapatuloy ni Mayor Along.

Malaking tulong ito sa mga magulang sa kanilang mga samu’t saring gastusin para sa mga anak na nagsisimula pa lamang sa pagiging buhay estudyante.

Ang libreng gamit pang-edukasyon ay isa sa iba’t ibang proyektong matagumpay na isinusulong ng batang alkalde na pinapakinabangan na ng mga Caloocanian.

Nagsisimula pa lamang sa serbisyo publiko bilang konsehal, si Mayor Malapitan, ay itnuon na ang utak sa mga bagay na may kinalaman sa pagpapaunlad ng edukasyon sa lungsod.

Si Mayor Along na noo”y konsehal ang may akda sa ordinansa na nagbunsod para sa libreng matrikula ng mga estudyante ng University of Caloocan City (UCC).

At noong naging kongresista, isinulong at naaprubahan ang isang House Bill na naglalayong magbigay ng educational assistance sa mga mag-aaral ng UCC.

Bilang representante, umabot sa 1,058 ang napagawang classrooms at author ng HB 5739 – ang pagpapatayo ng Polytechnic University of the Philippines Caloocan City – North Campus.

Malaki na ang ipinagbago at iniunlad ng Caloocan sa larangan ng edukasyon dahil sa mga proyektong naisakatuparan ni Mayor Along na kung tawagin ngayon ng mga guro ay ‘education dynamo’ ng Caloocan.

Hiling ng mga residente at botante ng Caloocan City na sana ay ituloy lang ni Mayor Malapitan ang mga nasimulan ng kanyang ama na siyang nagpaunlad sa kanilang bayan.

Dasal din ng mga ito na huwag magbago ang alkalde at maging prayoridad pa rin ang pagbibigay serbisyo sa mga mahihirap na kanyang nasasakupan.