Mayor Biazon Swim Cup, dinumog

Mayor Biazon Swim Cup, dinumog

November 29, 2022 @ 6:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot 1,200 swimmers ang kumpirmadong lalahok sa 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup na nakatakda sa Disyembre 3 sa bagong itinayong Muntinlupa Aquatic Center sa Muntinlupa City.

Umabot sa pinakamataas na bilang ang entry (700) nitong nakaraang linggo ngunit dahil sa kahilingan mula sa mga swim club at organisms at pagkatapos ng konsultasyon sa administrasyon ng lungsod ng Muntinlupa pinayagan na ma-extend ang pagpapatala.

Inaasahang magbibigay ng inspirational speech ang national junior record holder at National mainstay na sina Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh at Jamesrey Ajido para sa mga batang manlalangoy.RICO NAVARRO