MAYOR CHAN, SIBAKIN

MAYOR CHAN, SIBAKIN

August 10, 2018 @ 7:45 PM 4 years ago


 

Hindi na dapat alkalde ng Pozorrubio Pangasinan si Mayor Artemio Chan batay sa pinal na desisyon ng Office of the Ombudsman.

Kaya, dapat lang na ipatupad ito ng Department of the Interior and Local Government sa pinakamabilis na panahon alinsunod na rin sa utos ng Ombudsman.

Pinatanggal sa pwesto si Chan dahil sa “serious dishonesty” na nagawa nito, ayon sa desis­yon ng Ombudsman no­ong Hunyo 26.

Bukod sa pagtanggal, idiniin din ng Ombudsman ang “cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits and perpe­tual disqualification for re-employment in the government service.”

Binalewala at pinalitan na ang naunang desisyon ng Ombudsman na nagsususpinde lang kay Chan mula sa kasong pekeng paglagda sa kasal nina Ly-Ar C. Punzalan at Cherilyn O. Buyao.

Sa desisyon nitong Hunyo, napatunayan ng Ombudsman na may sapat na batayan “which warrant the setting aside of the findings and recom­mendation in the assailed decision.”

Ganito kalinaw ang banggit ng Ombudsman, dahil sa pagkakamali sa desisyon noong Agosto sa nakalipas na taon, “… respondent Artemio Chan should not only be held liable for Simple Disho­nesty but for Serious Dishonesty which is punishable by dismissal from the service” alinsunod sa Seksyon 3 ng Rules on the Administrative Offense of Dishonesty.

Batay sa rekord, hindi totoong si Mayor Chan ang nagkasal kina Punzalan at Buyao, pero ang alkaldeng ito ay naglabas ng “Certificate of Marriage that complainants appeared before him and he solemnized the marriage.”

Bukod sa nasabing krimen, si Chan ay nahaharap din sa napakara­ming kaso ukol sa “falsification of documents, grave misconduct and serious dishonesty.”

Bukod sa kanya, inutusan din ng Ombudsman ang kanyang correspondent na kanyang anak na si dating Bise Alkalde Kelvin Tong Chan.

Si Kelvin ay suspen­dido ng isang taon nang walang sahod at benepisyo.

Ang ginawa ni Kelvin na pagkakasal “without authority made him admi­nistratively liable for conduct prejudicial to the best interest of the service.”

HUWAG MATAKOT SA NATIONAL I.D.

Walang dapat ikatakot ang publiko sa National I.D. System dahil walang dahilan at batayan para tayo matakot, ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Mahalaga umano ang sistema para sa tamang pagkakilanlan ng tao.

“With this drive of the President to eradicate criminal activity, to eradicate terrorism, and to discipline our police, our regular citizens don’t need to fear that law enforcement agencies will abuse power and do something that’s not good to the citizens,” mariin niyang paliwanag. – BADILLA NGAYON NI NELSON BADILLA