Mayor Halili, ipinagtanggol ng anak

Mayor Halili, ipinagtanggol ng anak

July 3, 2018 @ 5:33 PM 4 years ago


Tanauan City – Mariing iginiit ng anak ng pinatay na si Tanauan City Mayor Antonio Halili na hindi sangkot sa droga ang kaniyang ama.

“My father would rather die than be a drug lord,” ayon kay Angeline Halili sa isang panayam.

“I have nothing to say to them right now, at this moment. My father has been fighting these people who’s doing drugs. Kalaban ng dad ko mga drug lord,” sagot ng anak sa mga nagsasabing may kinalaman sa iligal na droga ang alkalde.

Nanawagan din si Angeline sa kanilang mga tagasuporta at mga kontra sa iligal na droga na magsindi ng pulang kandila sa labas ng bahay.

“For those who support my father, who believes that this war against drug lords, please light a red candle in front of your houses. Not just here in Tanauan but anywhere in the whole Philippines or the whole world… people who actually believes. Kasi this is war against the drug lords or against drugs,” dagdag nito.

Namatay ang ama nitong si Mayor Halili nang barilin ito ng ‘sniper’ habang flag ceremony sa city hall ng Tanauan kahapon ng umaga.

Sa ngayon ay bukas sa publiko ang burol ng namayapang Tanauan City Mayor. (Remate News Team)