Mayor Isko sa gov’t: Face shield policy tanggalin na

Mayor Isko sa gov’t: Face shield policy tanggalin na

June 3, 2021 @ 9:36 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang gobyerno na alisin na ang polisiya ng face shields sa mga pampublikong lugar.

Ang face shield ay dapat ipatigil nang i-require sa general population at gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.”

Tayo na lang yata sa buong mundo ang nag-rerequire ng face shield sa kalsada. Dapat pag-isipan uli ito… We should adjust,” lahad pa ni Moreno.

Maalalang mandatoryo na ngayon ang pagsusuot nito sa mga establisimyento partikular na sa malls, groceries, at iba pang lugar.

Sa Facebook post, sinabi ni Infectious Diseases specialist Dr. Edsel Salvaña na ang desisyon sa kautusan ng pagsusuot ng face shield ay “grounded on solid science.”

“There is evidence from India that wearing a face shield on top of a face mask reduced transmission in community healthcare workers who were going house to house to check on COVID-19 suspects,” paliwanag pa nito.

“Masks + Shield + Physical Distance + Good Ventilation is part of the “Swiss Cheese” model which states that multiple layers of protection serve to further decrease the risk when imperfect interventions are used together.”

 “We just have to keep at it and we will soon regain our freedom. Further missteps will just prolong the pandemic.” RNT/FGDC