Mayor Isko tatakbong presidente sa 2022 polls

Mayor Isko tatakbong presidente sa 2022 polls

September 21, 2021 @ 7:02 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila – TATAKBO bilang Pangulo ng Pilipinas si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa darating na 2022 national election.

Ito ang kinumpirma ng kampo ni Yorme Isko kung saan magiging Vice Presidential running mate nito si Dr. Willie Ong.

Nakatakda namang magsagawa ng pormal na deklarasyon ang tandem ni Yorme Isko at ni Dr. Ong bukas, Set. 22 sa lungsod ng Maynila.

Nilinaw naman ni Domagoso na hindi pa sarado ang kanilang pinto para sa isang United Opposition. Bukod kay Yorme Isko nag-anunsiyo na rin na tatakbo sa pagka-Pangulo sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Many Pacquiao.

Matatandaan na kamakailan lamang ay tinanggap ni Domagoso ang pagiging Presidente ng sinalihan nitong partido na Aksyon Demokratiko na itinatag ni dating Senador Raul Roco. JAY Reyes


  •  
  •  
  •