Mayor Joy nagbigay ng robotic vehicle, sniper rifle, sub-machine guns sa QCPD 

Mayor Joy nagbigay ng robotic vehicle, sniper rifle, sub-machine guns sa QCPD 

September 18, 2020 @ 6:06 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Phililippines – Ipinagkaloob ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Quezon City Police District ang isang robotic vehicle at malalakas na armas sa isinagawang turn-over ceremony kaninang umaga sa Kampo Karingal.

Nagkakahalaga ng P65,299,950.00 ang robotic vehicle na  gagamitin ng Explosive Ordinance Division (EOD) sakaling mayroon silang uusisain na bomba.

Nasa  P9,008,999.00 nagkakahalaga ang walong Sniper Rifles UDMC Cal 7.62mm na may kumpletong accessories na kinabibilangan ng night vision, goggles, kevlar helmet, range finder, telescopes na gagamitin naman ng Special Weapon and Tactics (SWAT) at 96 units ng Taurus 9mm Sub-Machine Guns

”As your local government unit, it is only imperative that we show our support to you. Mabuti din po at good timing sa pagbubukas natin ng bagong stations 13 at 14 ay dumating itong mga bagong kagamitian na, hopefully ay makakatulong sa inyong operasyon para sa pagsugpo ng terorismo at kriminalidad sa lungsod” saad ni Belmonte.

“Kayo ay nagsisilbing magandang halimbawa sa amin. Hindi man kami sumasabak sa police operations o sa mga apprehensions gaya ninyo, may mga responsibilidad kaming dapat gampanan”, dagdag pa ng alkalde.

Samanatala, lubos naman na nagpasalamat si QCPD Director PBGEN Montejo sa pamahalaang lungsod para sa mga bagong donasyon.

Aniya, ang idinagdag na kagamitang pang-logistik ay hindi lamang magpapataas ng diwa ng ating mga tauhan ngunit tiyak na magpapataas din ng ating kakayahan sa pagpapatakbo lalo na sa paglaban sa lahat ng uri ng krimen, terorismo at iligal na droga.

“Undoubtedly, these millions of pesos worth of equipment will improve our operational and anti-criminality programs. He enjoined the members of the QCPD to do their job well give the people of Quezon City the public safety services they deserve. Let us continue to serve and protect them and let them be proud of their police,” ayon pa sa heneral. Jan Sinocruz


  •  
  •  
  •  

Loading...