Mayor Mamay, bet si Gabby sa biopic!

Mayor Mamay, bet si Gabby sa biopic!

October 15, 2022 @ 11:41 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Mukhang mapapasabak ang magaling na aktor na si Gabby Concepcion sa isang biopic. Nabanggit kasi ng Lanao del Norte, Nunungan mayor na si Marcos Mamay ang pangalan ng aktor tungkol sa pelikulang plano niyang gawin under Mamay Productions.

Lahad ni Mayor Mamay, “Magpo-produce po tayo ng two or three movies. In fact, uunahin namin iyong title na Lanao, that is partly… parang life story ko po ito. Doon po isu-shoot iyan, karamihan ay sa Nunungan, Lanao del Norte.

“Isa po sa nakikita naming gaganap dito ay si Gabby Concepcion, with Sanya Lopez, si Ken Chan din, at iba pa.”

FYI, si Mayor Mamay ang Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.

Kuwento ni Mayor Mamay, “Ako naman hindi naman sa pagyayabang, as an Executive Adviser of Actor’s Guild of the Philippines, advantage sa akin iyan. Kasi from time to time ay dinadala ko ang mga artista roon sa amin, kaya kahit paano na naipo-promote din kung ano ang mayroon kami, like sina Ken Chan, Teejay Marquez, Ahron Villena at iba pa.”

Nabanggit ni Mayor Mamay na marami silang proyekto para sa turismo at kailangan na kasabay nito, na maayos ang kalagayan ng peace and order.

Proud niyang nabanggit na stable ang peace and order sa kanyang nasasakupan.

Si Mayor Mamay ay na-elect din unanimously bilang League of Municipalities of the Philippines (LMP) national vice president for external affairs. Si Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra ang nahalal naman bilang president. JP Ignacio