Mayor na, model pa: Higit P20M, dinonate sa PGH

Mayor na, model pa: Higit P20M, dinonate sa PGH

October 27, 2019 @ 9:45 AM 10 months ago

  •  
  •  
  •  

Dagsa ang tulong  na dumarating sa Manila City Hall mula nang maupo bilang alkalde ng lungsod si Manila  Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Moreno, umabot na sa P24.5 milyon ang nalikom bilang regalo sa kanyang kaarawan na kanya namang idinonate  sa mga  batang cancer patient sa Philippine General Hospital (PGH).

Bukod dito, may karagdagan pang P1 milyon mula naman sa kumpanya ng JAG jeans/jacket matapos siyang kuning modelo.

Habang sa IAM coffee naman ay umabot sa P3 milyon ang kanyang talent fee kung saan nagpauna na ng 50 porsyentong TF o katumbas ng P1.5-M  ang nasabing kumpanya.

“Basta ang sinisigurado ko sa inyo may pupuntahan namang maayos yan kasi kong makakatulong ako para gasgasin ang katawan ko, Ok lang. OK lang bakit?, basta pakikinabangan  ng ibang otao lalo na yung may mga sakit” pahayag pa ng alkalde sa kanyang Capital Report .

Ang lahat ng nasabing halaga o TF ng alkalde sa kanyang pagmomodelo ay  diretso sa PGH Medical Foundation  Incorporated.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang lahat ng tumutulong at nais pang tumulong lalo na ang mga nasa ibang bansa na nagpapadala dollars dahil aniya malaking tulong ito para sa mga nangangailangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...