Mayor ng General Tinio, Nueva Ecija, patay sa pamamaril

Mayor ng General Tinio, Nueva Ecija, patay sa pamamaril

July 4, 2018 @ 11:30 AM 5 years ago


 

Cabanatuan City – Dead on the spot ang isang Mayor matapos na pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek, sa Maharlika Highway, Brgy. Imelda, Cabanatuan City, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Bote, 57,  Mayor ng General Tinio, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon, ganap na 4:30 ng  pagbabarilin ang biktima habang sakay ng kulay beige na Fortuner, may plate number ABB 2020.

Maswerte naman na hindi tinamaan ng bala ng baril ang driver nito.

Napag-alaman, na ang mga biktima ay nanggaling umano sa loob ng NIA-UPRIIS, tapat ng City Hospital bago mangyari ang naturang pamamaril.

Ang biktima ay nagtamo ng limang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi nang agaran nitong pagkamatay.

Narekober ng mga rumespondeng grupo ng SOCO(Scene of the Crime Operative) mula sa lugar na pinagyarihan ng insidente ang labingwalong (18) basyo ng mga bala ng kalibre .45 pistol.

Ayon sa ilang nakasaksi, tatlong lalaki ang sinasabing suspek, lulan ng isang motorsiklo.

Ganap naman na 6:30 ng gabi ng ilabas ang biktima sa Cabanatuan City Hospital bago ilipat sa RBN Funeral Homes. ELSA R. NAVALLO/ VER STA ANA