Mayor Nieto sa Caintenios: Gulay itanim sa likod-bahay

Mayor Nieto sa Caintenios: Gulay itanim sa likod-bahay

July 20, 2022 @ 10:09 AM 4 weeks ago


CAINTA, Rizal- Nais ni Mayor Elen Nieto na makatulong sa programa ni President Ferdinand Marcos Jr. para mapababa ang bilihing gulay sa mga palengke.

Bunsod nito nakiusap si Mayor Elen Nieto sa kanyang nasasakupan na magtanim ng kanilang sariling mga gulay sa kanilang hardin upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain.

“I want to advocate for our people to plant any vegetables in their yard,” ani Nieto sa isang panayam.

“Talagang gusto ng ating mga senior citizen ang ganitong klaseng proyekto. I will push for this with the help of our municipal councilors,” ayon pa sa alkalde ng Cainta.

Mula sa panahon ni Mayor Kit Nieto na kanyang administrator ay namimigay aniya ang lokal na pamahalaan ng mga buto at punla sa mga gustong magtanim ng sariling gulay sa kanilang bakuran.

“Marami tayo nito [seeds and seedlings]. Meron din tayong mga horticulturists na pwedeng tumulong sa kanila sa pagtatanim ng gulay,” ani Mayor Elen.

Dagdag pa ni  Nieto, bubuo siya ng grupo na pupunta sa iba’t ibang lugar para magtanim ng gulay. Maritess Pumaras