Mayor Sandoval bumisita sa mga apektado ng chlorine leak sa Malabon

Mayor Sandoval bumisita sa mga apektado ng chlorine leak sa Malabon

January 28, 2023 @ 1:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Agad na kumilos si Malabon Mayor Jeannie Sandoval kasama ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan, upang alamin at kumustahin ang kalagayan ng mga residente na malapit sa pinangyarihan ng cholorine leak ayon sa Bureau of Fire Protection sa Barangay Tinajeros ng nasabing lungsod.

Sa insidente, walong indibidwal, limang bata at tatlong nasa wastong gulang ang naapektuhan ng chlorine leak kung saamakaramdam ng pananakit ng ulo at pagsusuka na kasalukuyan nagpapagaling sa Ospital ng Malabon.

Nangako naman si Mayor Sandoval sa kanyang kababayan na sisiguraduhin na mabigyan ng agarang solusyon ang insidente na upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Jojo Rabulan