Mayor Sandoval bumisita sa mga barangay sa Malabon

Mayor Sandoval bumisita sa mga barangay sa Malabon

October 31, 2022 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa anumang kalamidad ang dumating laging alerto at mabilis ang aksyon ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval kung saan ay agad nitong binisita ang iba’t ibang barangay upang mag-paabot ng paunang tulong sa mga kababayan na apektado ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Agad na nagbigay ng relief packs at hot meals sa mga pamilyang kasalukuyang nasa iba’t ibang evacuation center upang makakain nang maayos at matiyak na ligtas ang mga ito bago magsibalikan sa
kani-kanilang mga tahanan.

Inatasan naman ni Mayor Sandoval ang mga iba’t ibang departamento sa lungsod na laging maging handa at mabilis sa pagtugon sa mga nangangailangan tuwing may kalamidad gaya na lamang ng paghagupit ng bagyong Paeng. Jojo Rabulan