Mayor Sandoval namahagi ng almusal sa mga mag-aaral

Mayor Sandoval namahagi ng almusal sa mga mag-aaral

August 22, 2022 @ 1:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Personal na nag-ikot si Malabon Mayor Jeannie Sandoval upang kumustahin ang kalagayan ng mga estudyante kung saan ay namahagi din ito ng libreng almusal sa tulong ng Mobile Kitchen para sa mga mag-aaral ng Malabon Elementary School sa unang araw ng pasukan.

Binisita din ng alkalde ang Malabon National High School at nangakong sisikapin at gagawin na mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral sa mga eskwelahan sa kabila pa din ng banta ng pandemya. (Mga larawan kuha ni Jojo Rabulan)