Mayor Sara, pinayuhan si Asec. Mocha

Mayor Sara, pinayuhan si Asec. Mocha

August 10, 2018 @ 9:40 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Communications Assistant Secretary Mocha Uson na maghinay-hinay sa mga galaw nito dahil siya ay opisyal na ng gobyerno.

Reaksyon ito ni Mayor Sara sa viral-video ni Asec. Mocha sa pagsasayaw habang ipinapaliwanag ang pederalismo.

Hindi naman niya sinalungat ang pakay ni Asec. Mocha na tumulong pagpapaliwanag sa kampanya ng pederalismo.

Aniya, ang tanging pagkakamali lamang ay ang proseso nito. Kris Jose