Mayor Sara sa mga tagasuporta na ‘di pabor kay BBM: I can’t be one with you on this

Mayor Sara sa mga tagasuporta na ‘di pabor kay BBM: I can’t be one with you on this

January 13, 2022 @ 3:59 PM 7 months ago


MANILA, Philippines-“I respect it, but cannot be one with you on this,” pahayag ni vice-presidential aspirant Inday Sara Duterte-Carpio sa mga taga-suporta na hindi pabor sa kanyang running mate na si ex-senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang naging pahayag ni Duterte-Carpio nitong Miyerkules ng gabi sa gitna ng mga panawagan sa kanya na si Manila City Mayor Isko Moreno na lamang ang gawing running mate na kumakandidato rin bilang presidente sa Halalan 2022.

Iginiit niya ang kanyang pangako sa kanyang ka-tandem na si Marcos at sa kanilang alyansa, at sinabing mahalaga na panindigan ang kanyang mga salita.

“Nangako rin ako ng katapatan sa alyansang aking pinasok kasama ang Lakas-CMD Party at Partido Federal ng Pilipinas (PFP).Mahalaga po sa akin ang paninindigan at isang salita,” ani Duterte-Carpio.

“I truly appreciate the love of so many for me and while I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this,” dagdag niya.

Si Duterte-Carpio ay tumatakbo sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD Party.

“Patuloy akong umaasa ng suporta ninyo sa UniTeam. Mahalaga ang pagpili ng isang team na maglilingkod sa ating bayan,” sabi ni Duterte-Carpio.

“Handa ang UniTeam BBM-Sara para harapin ang mga hamon sa pamamahala. Mahalin natin ang Pilipinas,” dagdag pa niya. RNT/SA