Mayor Tiangco namahagi ng tablet sa mga estudyante sa Navotas

Mayor Tiangco namahagi ng tablet sa mga estudyante sa Navotas

July 25, 2022 @ 2:44 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng 312 tablets sa Special Education learners at 500 tablets sa Grade 1-12 students sa mga pampublikong paaralan sa Navotas.

“Naniniwala po tayo sa kahalagahan ng edukasyon sa pagtupad ng mga pangarap ng ating mga kabataan. Kaya sisikapin nating patuloy na makapagsusulong ng mga proyekto at programang mag-aangat pang lalo sa kalidad ng edukasyon para sa mga Navoteño,” ani Tiangco. Jojo Rabulan