Mayor Tiangco nanguna sa groundbreaking ng 9 school buildings sa Navotas

Mayor Tiangco nanguna sa groundbreaking ng 9 school buildings sa Navotas

November 3, 2022 @ 9:51 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco kasama ang iba’t ibang opisyal ng lungsod ang ang isinagawang groundbreaking ceremony ng siyam na 4-storey school buildings. Kabilang dito ang mga gusali sa Tanza Elementary School at North Bay Boulevard Elementary School.

“Pinaglaanan natin ito ng pondo noong nasa Kongreso pa tayo. Nais natin na may komportableng environment ang ating mga mag-aaral upang makapag-focus sila sa kanilang mga aralin,” pahayag ni Tiangco. Jojo Rabulan