Mayor Wes: Bike lane sa Valenzuela pwedeng daanan ng naka-motor

Mayor Wes: Bike lane sa Valenzuela pwedeng daanan ng naka-motor

December 19, 2022 @ 8:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinayagan ni Valenzuela City Mayor Weslie “WES” Gatchalian ang mga may single motorcycle na dumaan sa bike lane ng lungsod simula Disyembre 25.

Base ito sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay awtorisado na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng McArthur Highway mula Lunes hanggang Biyernes.

“Ito po malamang ay Christmas gift na rin natin sa ating mga motorista. Papayagan na pong dumaan ang mga single motorcycles natin sa designated bike lane natin sa McArthur Highway,” ani Gatchalian.

Sa kabila nito, pinaalalahanan niya ang mga nagmomotorsiklo ukol sa 20-kilometro-per-hour speed limit.

Samantala, walang mga tricycle driver naman ang papayagang dumaan sa bike lanes, dagdag niya.

Sinabi ng pamahalaang lungsod na layunin ng ordinansa na maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa gitna ng kapaskuhan. RNT