Mayor Zamora tutulong sa ibang syudad para sa herd immunity vs COVID

Mayor Zamora tutulong sa ibang syudad para sa herd immunity vs COVID

July 12, 2021 @ 6:42 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – “We will be more than willing to help other cities.”

Ito ang naging tugon ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa pakiusap ni Deputy Chief Implementer, NTF Against Covid-19 Sec. Vivencio Dizon na payagan ang residente ng ibang lungsod na mabakunahan sa San Juan kapag natapos na ang target ng lungsod na bilang na mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos ang San Juan City Population 1100% Vaccinated na idinaos sa 2nd Floor, Centel Mall, Greenhills Shopping Center ay sinabi ni Mayor Zamora na tatapusin lang nila ang natitira nilang populasyon na hindi pa nababakunahan kung saan ilang libo na lamang aniya ito at pagkatapos ay payag na silang magkaroon ng walk-in sa kanyang lungsod.

“Of course, we also have our workforce na kasama po sa ating daytime population at marami-rami pa rin po ang hindi pa rin po nababakunahan,” ayon sa Alkalde.

Nakiusap kasi s Dizon kay Mayor Zamora at sa iba pang Alkalde na kapag natapos na ang target na mabakunahan sa kanilang lungsod ay huwag titigil magbakuna.

“Kasi kailangan po, tulung-tulong tayo para mabakunahan hindi lang iyong buong NCR kung hindi pati iyong mga kapitbahay na probinsiya natin tulad ng Bulacan, ng Cavite, Laguna, Rizal, pati Pampanga,” ayon kay Dizon.

“Kasi iyong sistema dito ni Mayor Francis, napakaganda at napakabilis. Kaya talagang mabilis magbakuna si Mayor Francis dahil sa sinet-up nilang sistema na mabilis everyday ang pagbabakuna nila. Kaya ang pakiusap ko, sana pagbigyan tayo ng ating mga mayors, tulad ni Mayor Francis, na kapag naabot na iyong target, tuluy-tuloy pa rin. Kasi napakadaling pumunta ng taga-Bulacan, taga-Rizal, taga-Cavite, taga-Laguna dito sa mga siyudad natin sa NCR. So sana po mapagbigyan tayo ni Mayor Francis kasi napakalaking tulong iyong sistema na nandiyan na na magagamit natin para tulungan iyong iba nating mga LGU at iba nating mga probinsiya. Siguro si Mayor Francis,” lahad nito.

“So my commitment, sirs, once we have vaccinated our entire target population and eventually our entire qualified population, we can help other cities for as long, sirs, you have to provide us with the vaccines to vaccinate to them,” ang tugon naman ni Mayor Zamora.

“And also, I’m sure that the Greenhills Shopping Center Management will welcome that because it will also allow for higher foot traffic in terms of our potential costumers here in the shopping centers. So, win-win situation iyon sapagka’t tataas naman muli iyong business tax na makokolekta namin, sapagka’t tataas din naman iyong gross sales po nila. Naramdaman po kasi namin iyan noong 2020, noong nagsara ang mga negosyo, almost 300 million po ang binaba ng budget namin because of the closure of the businesses. So, we welcome that,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose