Mayoralty candidate sa Maynila, proud na tawaging ‘Marites’

Mayoralty candidate sa Maynila, proud na tawaging ‘Marites’

January 27, 2022 @ 12:50 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tinaguriang ngayon na ‘Marites’ ang isang mayoralty candidate dahil sa paglalantad nito sa umanoy bilyon-bilyong pagkakautang ng pamahalaang lungsod ng Maynila .

Bagamat inihahalintulad sa tsismosa ang nasabing bansag , sinabi ni Atty.Alex Lopez na nakita niya ang mainit na pagsuporta sa kanya ng mga taga Maynila sa bawat pagsigaw sa kanya ng ‘Marites’.

Nangangahulogan aniya na namulat ang mga Manilenyo sa nangyayari sa lungsod at maaring kahihinatnan nito dahil sa malaking pagkakautang na posibleng mga tax payer naman ng lungsod ang maapektuhan.

Ayon kay Lopez na isa ring abogado at negosyante, dapat ipaliwanag ng pamahalaang lungsod kong saan kinuha at napupunta ang inutang na bilyong-bilyong halaga. RNT