Mayors na mabilis sa kanselasyon ng klase kinastigo ng isang solon

Mayors na mabilis sa kanselasyon ng klase kinastigo ng isang solon

July 10, 2018 @ 1:39 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pinagsabihan ng isang mambabatas ang mga lokal na opisyal na huwag basta na lamang na nagsusupinde ng klase nang walang sapat na basehan matapos na rin ang maling kanselasyon ng klase noong Lunes gayong walang pag-uulan.

Ayon kay 1-Edukasyon Partylist Rep, Salvador Belaro tungkulin ng mga alkalde na makipag-ugnayan sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(PAGASA) upang mabigyan sila ng tamang impormasyon ukol sa bagyo bago magdesisyon sa kanselasyon ng klase, ani Belaro, maraming alkalde ay gaya gaya lamang at ibinabase ang kanselasyon ng klase kapag ang kalapit bayan ay nagdeklara na nang walang pasok.

“Meron namang tao sa PAGASA, 24 oras, kaya pwedeng tumawag dito para alamin ang magiging lagay ng panahon”pahayag ni Belaro.

Kamakalawa ay maraming lugar ang nagkansela ng klase pero hindi nangyari ang inaasahang malakas na ulan.

Samantala umapela din si Belaro sa PAGASA na bigyan ng kaunting paliwanag sa kanilang websites ang mga inilalagay na terminology paukol sa bagyo, karaniwan umano na mahirap intindihin ang mga termino na ginagamit ng PAGASA kaya bandang huli ay nagkakaroon ng kalituhan.

“Most Filipinos are not good at Math, Science and English. These three happen to be the languages of scientists. There must therefore be an extra effort on the part of PAGASA and the rest of the science community to translate their words and thoughts into ways the rest of us non-scientists can easily relate to and understand. In the case of calamity science, there are the added factors of urgency and timeliness” dagdag pa ni Belaro.

Una na ring sinisi ng PAGASA ang “inaccurate information” na lumabas sa social media na nagsasabing super typhoon na gaya ng Yolanda ang paparating na bagyong Gardo na maaaring ginawang basehan ng ilang alkalde para agad na kanselahin ang klase sa kanilang lugar.

Umapela ang PAGASA sa publiko na beripikahin muna ang mga impormasyon na kanilang nasasagap at kung patungkol sa bagyo ay mas mainam na sa PAGASA website kumuha ng impormasyon na nakasisigurong tama sa halip na sa mga social media websites. (Gail Mendoza)