Mayors sa labas ng NCR+8 nanawagan ng bakuna

Mayors sa labas ng NCR+8 nanawagan ng bakuna

May 29, 2021 @ 3:01 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Umaapela ang mga mayor sa labas ng lugar na may mataas na COVID risk infection ng bakuna, batay sa ulat.

Hiniling ng League of Cities (LCP) sa gobyerno na ipadala ang mga darating pang COVID vaccine sa MIMAROPA, Western Visayas, Cagayan Valley, at ibang bahagi ng Cordillera Administrative Region.

”We deem that the preemptive action of distributing vaccines to a broader number of cities will prevent a potential new wave of case surges throughout the Philippines,” lahad ni Bacolod City Mayor Bing Leonardia, LCP president at Calapan City Mayor Arnan Panaligan, LCP secretary-general sa liham kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Maaalalang naunang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang darating na bulto ng bakuna ay para sa NCR+8 upang agad na makamit ang herd immunity.

“Base po sa ating mga eksperto when you do this, when you vaccinate more on these specific areas, mas malaki po ang impact sa populasyon natin because we are going to cover more, and we are going to address the burden of disease when we do that.” RNT/FGDC