Mayorya ng mga Pinoy, mas masaya sa hybrid work options

Mayorya ng mga Pinoy, mas masaya sa hybrid work options

May 19, 2022 @ 1:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mayorya ng mga empleyadong Pilipino ang nagsabing mas masaya sila sa hybrid work options.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng global technology firm na Cisco, 59.6% ng mga local employees ang may gusto ng hybrid work arrangements kung saan 96.6% ng mga empleyado ang suportado ito habang 59.6% ang nagsabing labis nila itong sinusuportahan.

Bagama’t suportado, lumalabas din sa pag-aaral na wala pang 30% ng mga kompanya ang handang-handa para sa nasabing work setup.

Samantala, 89.2% ng mga empleyado ang naniniwalang humusay ang pagkalahatan nilang well-being sa gitna ng hybrid working, kung saan 92.2% ng mga respondents ang nagsabing sila ay mas masaya.

Ilan sa key drivers ng paghusay ng overall well-being ng mga empleyado ay ang mas flexible na work schedules, at ang nabawasang oras sa pagbiyahe bunsod ng

“The last two years have shown that work is no longer where we go, but what we do. In a hybrid normal, employees and employers in Philippines are experiencing tangible benefits from improved employee well-being to better productivity and work performance,” saad ni Cisco Philippines managing director Zaza Nicart.

Matatandaang ilang kumpanya na ang nagpapatupad ngayon ng remote work options dahil sa pandemya kung saan ipinagbawal noon ang pag-o-operate ng mga establisyimento at full capacity para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Kasalukuyan nang nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa kung saan hinihikayat na ang mga empleyado na pumasok sa on site sa kanilang mga trabaho. RNT/ JCM