Mayorya ng mga Pinoy nababahala sa inflation – sarbey

Mayorya ng mga Pinoy nababahala sa inflation – sarbey

October 6, 2022 @ 5:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Karamihan sa mga Pilipino ay naghayag na ang pagkontrol sa inflation ang national issue na kailangang agad na aksyunan ng Marcos administration, batay sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey na ipinalabas nitong Huwebes.

Sa Ulat ng Bayan survey na isinagawa mula Sept. 17 hanggang 21 na may 1,200 respondents, 66 porsyento ng mga Pilipino ang tumukoy sa pagkontrol sa inflation bilang “most urgent” national concern sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“This is the prevailing view in all geographic areas and socio-economic classes (56 percent to 81 percent and 51 percent to 71 percent, respectively),” sabi ng Pulse Asia.

Gayundin, 44 porsyento ng Filipino adults ang nagsabing ang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa ang ang urgent national concern.

Tatlumpu’t limang porsyento naman ang nagsabing job creation, habang 34 porsyento ang nais maibsan ang kahirapan.

Batay sa Pulse Asia, mayroong kaunting pagbabago sa public opinion ukol sa urgent national concerns mula Hunyo 2022 hanggang Setyembre 2022.

“The level of concern about controlling inflation—the only national issue considered urgent by most adults (66 percent)—increases (+9 percentage points) while concern about creating more jobs also becomes more pronounced (+6 percentage points). In contrast, public concern regarding peace promotion in the country eases during the same period (-6 percentage points),” anito.

“Criminality and involuntary hunger are issues that concern about a fifth of the adult population (19 percent and 17 percent, respectively) while enforcing the rule of law in the country is mentioned by a little over a tenth (12 percent),” sabi pa ng Pulse Asia.

Subalit, kaunting Filipino adults lamang ang nababahala sa mga sumusunod na isyu: “helping small entrepreneurs (9 percent), protecting the environment (9 percent), promoting peace (8 percent), reducing the amount of taxes paid by citizens (7 percent), controlling the spread of Covid-19 (5 percent), defending national territorial integrity (5 percent), protecting the welfare of overseas Filipino workers (4 percent), and preparing to deal with terroristic threats (2 percent).”

“Controlling inflation is the leading first-ranked urgent national concern (35 percent). The top second-ranked concerns are inflation (18 percent), workers pay (17 percent), and employment (14 percent),” pahayag ng Pulse Asia.

“As regards third-ranked concerns, the most often mentioned ones are inflation (13 percent), jobs (13 percent), poverty (13 percent), workers’ pay (12 percent), corruption (8 percent), and involuntary hunger (8 percent),” patuloy nito.

Bukod sa inflation, sinabi ng Pulse Asia na isa pa sa mga isyu na ikinababahala ng karamihan  saan mang geographic at socio-economic sub-groupings ay ang pagtataas sa bayad sa mga manggagawa, isang urgent concern na tinukoy ng 55 porsyento sa Class ABC at 54 porsyento sa Class E. RNT/SA