Mayorya ng mga Pinoy, positibong sasalubong sa Pasko

Mayorya ng mga Pinoy, positibong sasalubong sa Pasko

December 19, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos pareho lamang ang porsyento ng pamilyang Pilipino ang nagsabi na ang holiday celebration nila ngayong taon ay magiging “more prosperous than last year” o “just as prosperous as what they had a year ago,” ayon sa resulta ng Pulse Asia “Ulat ng Bayan” survey, na ipinalabas nitong Lunes.

Napag-alaman sa survey, na isinagawa mula Nov. 27 hanggang Dec. 1 sa 1,200 adult respondents sa buong bansa, na inaasahan ng 43 porsyento ng Filipino households ang na mas magiging masagana nag kanilang holiday celebration kumpara noong 2021, habang inaasahan ng 42 porsyento na wala itong kaibahan sa nakaraang pagdiriwang, na inilarawan nila bilang masagana.

“The same pattern of public opinion may be observed in the rest of Luzon (35 percent versus 41 percent), Mindanao (46 percent versus 48 percent), Class ABC (36 percent versus 48 percent), Class D (44 percent versus 41 percent), and Class E (39 percent versus 43 percent),” ayon sa Pulse Asia.

“Most Visayans (66 percent) will have a more prosperous holiday celebration this year while a small majority of Metro Manilans (58 percent) say their celebration this year will be just as prosperous as what they had last year. The rest of Filipino adults will have either a family holiday celebration that is just as poor as what they last year (10 percent) or one that is poorer than their festivities a year ago (6 percent),” dagdag nito.

Sa parehong survey period, karamihan sa adult Filipinos, o halos 92 porsyento, ang nagsabing sasalubungin ang bagong taon na may pag-asa. RNT/SA