Mayorya ng mga Pinoy, tiwala kina PBBM, VP Sara – sarbey

Mayorya ng mga Pinoy, tiwala kina PBBM, VP Sara – sarbey

December 1, 2022 @ 2:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Karamihan sa mga Pilipino ay nagtitiwala kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte, ayon sa OCTA Research survey na isinagawa nitong huling linggo ng Oktubre.

Sa resulta ng survey na ipinalabas nitong Miyerkules, makikitang 86% Pilipino ang nagtitiwala kina Marcos at Duterte. Tanging 4% ang nagpahayag ng mistrust habang ang 10% naman ay undecided.

Pinakamataas ang trust rating ng Pangulo sa Mindanao na 92% at pinakamababa naman sa Metro Manila na 82%. Nakakuha rin ang vice president ng pinakamataas na trust rating sa Mindanao na 98%. Pinakamababa naman ito sa Balance Luzon na 81%.

Nakakuha rin ang dalawa ng mataas na rating sa performance, kung saan 78% satisfied kay Marcos at 80% kay Duterte. Tanging 5% ng survey participants ang naghayag ng dissatisfaction sa performance ni Marcos habang 4% kay Duterte.

Isinagawa ang independent at non-commissioned survey mula Oct. 23 hanggang 27 sa 1,200 adult Filipinos sa buong bansa. RNT/SA