Mayorya ng mga Pinoy, tiwala sa Marcos admin – sarbey

Mayorya ng mga Pinoy, tiwala sa Marcos admin – sarbey

December 17, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang “equally good” ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nakaraang pamahalaan, base sa resulta ng “Pahayag” 2022 End of the Year survey ng Publicus Asia na ipinalabas nitong Biyernes, habang sa parehong survey, lumabas na karamihan din sa mga Pilipino ay naniniwalang nasa tamang direksyon ang pinatutunguhan ng bansa.

Batay sa survey na isinagawa noong Nov. 25 hanggang 30, ikinumpara ng 1,500 adult respondents ang performance ng Marcos administration sa nakalipas na anim na buwan sa mga nakaraang administrasyon.

Sinabi ng 45 percent ng respondents na ang Marcos administration ay “equally as good as the past administration,” 32 percent ang nagsabing ito ay “better than some/best compared to previous administration,” at 23 percent ang ikinokonsidera itong “worse than some/worst compared to past administration.”

Gayundin, sa parehong survey, hindi bababa sa 68 percent ng mga Pilipino ang nananatiling kumpiyansa na tinatahak ng Pilipinas ang “right direction” sa ilalim ng kasalukuyang pamamahala.

Sinabi ng karamihan sa respondents na nasa tamang direksyon ang bansa,” 19 percent ang “not sure,” habang 13 percent ang naniniwala na mali ang direksyong tinatahak ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos administrasyon.

“They are still optimistic that the country will improve… that there will be an improvement in the next quarter despite the fact that we have inflation. We, as Filipinos, are optimistic that we can recover from the pandemic,” sabi ni Estrabo.

“Positibo ang binibigay na pahayag ng mga numero ukol sa kinalalagyan ng bansa,” sabi naman ni Dr. Rosalina Ora’a-Fuentes ng Southeast Asia Interdisciplinary Development Institute. RNT/SA