Mayroong ‘pera sa basura’ ng Canada

Mayroong ‘pera sa basura’ ng Canada

July 4, 2018 @ 7:25 PM 4 years ago


Dapat lang makalaboso yang isang Undersecretary sa Department of Environment and Natural Resources na na­bulgar na nasa likod ng smuggling ng tone-toneladang basura mula sa Canada noon pang 2013.

Sa wakas inutos ng Office of the Ombudsman ang tatlong-buwan na suspension ni Usec. Juan Miguel Cuna na noo’y nanunungkulan pang Environment Management Bureau (EMB) chief ng DENR nang anim na beses niyang bigyan ng registry certificate for the importation of recyclable materials.

Lumitaw na iligal ang transaksyon dahil walang supporting documents ang pagbibi­gay ng permiso.

Ang masama pa ay mga nabulok nang basura ang laman ng 67 container vans na hanggang ngayon ay naka­tam­bak pa sa Pier sa Maynila.

Kung bakit pinayagan ng Canadian authorities ang pagtatapon ng basura dito sa Pi­lipinas noong administrasyon ng kengkoy na si Noynoy Aquino.

Tingnan nyo nga naman ‘yung iba mga iligal na droga, luxury car, piyesa, bigas o sibuyas at iba’t-ibang kontrabando ang iniismagel.

Ngunit itong si Cuna at mga kakutsaba niya ay “imported basura” pa ang pinalusot sa Bureau of Customs (Boc).

Akala siguro niya ay mahina ang pang-amoy sa basura ng mga taga-Customs.

Ang tanong: Magkano ba ang pera sa basura ng Canada?

Sayang at isang career executive at nag-aral pa sa abroad ang naturang DENR official.

Sa imported na basura lang pala masisira, he-he.

Style mo bulok, hoy Atorni!!!

***

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanonood din ang prog­rama sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong reaksyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etul­[email protected] o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank).

DEADSHOT NI TULFO