Mayweather nasa Pinas

Mayweather nasa Pinas

September 28, 2022 @ 5:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines –  Dumating nitong Martes ng gabi sa Pilipinas si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr. isang araw  matapos ang matagumpay na exhition game nito sa Japan.

Ayon sa ulat, inimbitahan si Mayweather ng isang heatlh and beauty products na kanyang iniindorso.

Sakay ang undefeated US boxer na si Floyd ng kanyang Gulfstream jet at lumapag ito sa private hangar ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.

Base sa etinerary ng boksingero, bibisita rin ito sa ilang private resort sa bansa para sa ibang mga events ng kumpanya.

Noong Linggo, pinatumba ni Mayweather si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan.JC